PANANAKOP NG AMERIKANO
Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.
Sinakop ng mga Amerikano ang Bansang Pilipinas dahil:
1.Mayaman ang Bansang Ito sa mga Likas na Yaman.
2.Gusto nila itong gawing imbakan ng mga materyales.
3.Sentrong Pamilihan.
Noong masakop ng mga Amerikano ang Pilipinas,nag patupad sila ng mga patakaran at batas na may maganda at hindi magandang dulot sa mga Pilipino.
Unang - unang ipinatupad ng Pangulo ng mga Amerikano na si William Mckinley ang BENEVOLENT ASSIMILATION na nanagahulugan ng "Mapagpalayang Asimilasyon".
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Amerikano:
1.PAGSUPIL
-Pamahalaang Militar
-Schurman Commission
-Taft Commission
-Pamahalaang Sibil
2.PAMPULITIKA
-Sedition Law
-Brigandage Act
-Reconcentration Law
-Flag Law
3.PANGKABUHAYAN
-Free Trade Act
-Technology
4.PANLIPUNAN AT PANGKULTURA
-Thomasites
-Pecsionados
-Hospital
-Bahay Ampunan
-Rock
Unang yugto (1898-1935)
Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Shurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong Enero 20, 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon
Unang Komisyon (1899)
Ang Komisyon ni Shurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga Amerikano at pinamunuan ni Jacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.[
~Ikalawang Komisyon (1900)
Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (Taft Commission), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si William Howard Taft (si Taft rin ang unang gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni McKinley noong Marso 16, 1900. Binigyan ito ng kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900 hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).
BATAS COOPER
Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902 (Ingles: Philippine Bill of 1902 o Philippine Organic Act (2013)) ay isang batas na ipinatupad ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1902. Ipinagtibay ito noong Hulyo 2, 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilango dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo 30,1907 ginanap ang halalan at ang pagpapasinaya ay ginnap noong Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
BATAS JONES
Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.
MISYONG PANGKALAYAAN
Dahil nais na ng mga pilipino na mag sarili,nag lunsad sila ng mga misyong pangkalayaan:
-Manuel L. Quezon (Unang Misyon 1912)
-Quezon at Osmena (Ikalawang Misyon 1922)
-Manuel Roxas (Ikatatlong misyon 1927)
-Manuel Roxas (Ikaapat na Misyon 1930)
-Lahat ng Misyon na ito ay nabaliwala sa mga amerikano sa katwirang hindi pa handang mag sarili ang bansang pilipinas ngunit nag lunsad naman sila ng mga misyong pangkalayaan:
1.Hare Hawes cutting - 10 taon na oobserbahan ng mga amerikano ang bansang Pilipinas kung Puwede na tayong mag sarili at mag karoon ng sariling Saligang Batas.
-sa Misyong ito Hindi Pumayag si Manuel L. Quezon sa katwirang Matagal na obserbasyon.
2.Tydings McDuffie- 3 taon na oobserbahan ang pilipinas at kapag natapos ang 3 taon na ito papayagan na tayo ng mga amerikano na magkaroon ng sariling Saligang Batas.
-dito sa misyong ito pumayag si Manuel L. Quezon.
Noong natapos ang tatlong taon (1934) nagkaroon na ang Pilipinas ng sariling Saligang Batas (Kalayaan)
-Sept. 17,1935
Bumuo ng Commonwealth sina Osmena at Quezon
Sampamahalaan ng Pilipinas
Noong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos noong 1934, nailunsad ang pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas.
COMMONWEALTH / KOMONWELT
Ang Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas (Ingles: Commonwealth of the Philippines; Kastila: Mancomunidad de Filipinas) ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.
Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito.
MGA BATAS NG COMMONWEALTH / KOMONWELT
(Panlipunan)
-Serbisyo Sibil
-Kooperatiba
-8 Hour Labor Law
-Public Atty.
-Kagawaran ng Paggawa
(Pampulitika)
-Tanggulang Pambansa
-National Defense Act
-Public Defender Act
-Pagboto ng mga Kababaihan
(Pang-Edukasyon)
-Pambansang Wika]
-Code of Ethics
-Libreng Edukasyon
-Edukasyong Bokasyonal
Nabuwag din ang Komonwelt / commonwealth noong 1946 at naging Republika ng Pilipinas.
PANANAKOP NG HAPON
Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945,noong ikalawang Digmaanng Pandaigdig, kung saan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,Binomba ng Hukbo ng mga Hapones sa pangunguna ng kanilang Heneral na si Masaharu Homa ang Pilipinas noong Dec. 8,1941.Naganap ito isang araw pagkaraang Bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor,Hawaii.Pagkaraang ng mga ilang Linggo,umatras sina Heneral Douglas McArthur kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon.
De. 24,1941,pinasok ng mga Hapones ang Maynila,at napabagsak nila ang Bataan.Desyembre 26,1941 ,idineklarang "Op3en City" ang Maynila ngunit sinira parin ito ng mga Hapones.
Ang Bilanggo ay pinaglakad ng mga Hapones (Death March) papunta sa Konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.
Enero 2,1942,Ganap na nasakop ang Maynila ng mga Hapon.
Nangakong babalik si Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas kaya naman kanya niya itong Tinupad at Bumalik sya sa Pilipinas.
Bumalik ang mga Amerikano kasama si Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas upang palayain tayo mula sa mga Hapones.
Napalaya tayo ng mga Hapones noong 1945 .